Patuloy ang pag-hahatid tulong ni House Deputy Speaker at 1Pacman party-list Rep. Mikee Romero sa mga lugar kung saan mahalagang maabot ng nararapat na tulong.
Kinaligaya ng mamamayan ng Montalban Rizal ang nagiging pamamahagi ng 1st Batch of Financial Assistance program ni Deputy Speaker Romero, kung saan ginanap sa Sitio Tanag ang pamamahagi ng financial assistance kamakailan.
Tinatayang 500 pamilya ang nabiyayaan sa programang ito na patuloy inihahatid ng mambabatas sa iba’t ibang sulok ng bansa sa pakikipagtulungan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD)
“Kailangan nating pagsikapan ang makapagbigay ng tulong sa ating mga kababayan partikular na po sa mga kapos-palad o apektado sa pandemya na ito. Hindi man natin kaya matulungan lahat, sisikapin natin makatulong sa sagad ng aming makakaya,” pahayag ni Rep. Romero.
Ang nasabing programa ay kinagalak at taos-pusong pinasalamat kasabay ng pagbibigay gabay ni Mayor Tom Hernandez at Kapitan Karen Mae Hernandez.
“Tuloy-tuloy na tulong. Aksyon at walang basag na pangako ang ating sisikapin ihatid sa ating mga mamamayan at bansa,” pagtatapos ni Rep. Romero.