Masayang ibinida ni 1-Pacman Partylist Rep. Mikee Romero kahapon ang mainit na pag suporta ng taong bayan sa kaniyang kinabibilangan partylist.
“Nakaka-taba po ng puso nang mabasa ko ang mga tao at grupo ng kabaataan, seniors, PWDs at mga non-government organizations (NGOs) na nais tumulong na manatili ang 1-Pacman Partylist sa Kongreso,” pahayag ni Rep. Romero.
Ang 1-Pacman ay umani ng 1.4 milyong boto sa nakaraan eleksyon. At kasalukuyang tanyag dahil sa dami ng natulungan, partikular na ang libo-libong napaaral at nabigyan ng trabaho.
Matatandaang ang 1 Pacman din ay isa sa pinakamaraming natulungan sa pamamagitan ng pagpapagamot at pagbibigay ng pinansyal na pangtustos upang makapagpagamot at mga gamot na kailangan.
Kamakailan lamang, naging maagang pamasko sa mga bata at mga nag-iiyakang magulang na pasyente ng Philippine Heart Center nang personal na magtungo si Rep. Romero upang magbigay ng pinanasyal na tulong sa mga batang may butas ang puso o congenital heart defect. At ito ang nagbigay pa ng isang milyong piso mula sa sariling bulsa.